Sunday, September 17, 2017

Faithful and Wise Servants of God

Text: Luke 12:42-48

Truth from the text:

A. Lahat tayo ay SERVANTS ni Lord. 
Lahat ng servants o slaves sa panahon ng OT and NT ay binibili ng kani-kanilang master sa pamilihang bayan.  Si Lord ay may karapatan na tayo ay tawaging servants Niya dahil binili Niya tayo ng Kanyang dugo (1Cor 7:22). Ang emphasis ng pagkakatawag sa atin bilang servants of the Lord ay ang loyalty o faithful service sa Kanya na bumili sa atin.
1. Kahit ikaw ay nasa SECULAR work, servant ka ni Lord.  (see Eph 6:5-8)
 2. Kahit ikaw ay nasa mataas na POSITION, isa kang servant para kay Lord. (v43) Blessed is that servant (manager in v42, ESV)
B. Ayaw ni Lord na tayo ay maging WICKED servants.
(cf: Matt 24:48 - "wicked servant")
Sino ang mga ito ayon sa ating text?
1. Hindi tapat sa TRABAHO.  (v45a)  But if that servant says to himself, 'My master is delayed in coming,'  Kapag wala ang master/boss/supervisor, iba ang ginagawa.
2. Inilalagay ang sarili sa pinakamataas na POSITION. (v45b)  …and begins to beat the male and female servants.  (Ang may karapatan lang na gumawa nito sa isang servant ay ang kanyang master)
3. HAPPY go lucky.  (v45c)  …and to eat and drink and get drunk.
Punishment sa wicked servant: Depende sa degree of responsibility or offense. (vv46-48)
(Note: Ang punishment sa wicked ay hindi dapat gamitin laban sa Christianity dahil ang parusa at condemnation ay hindi applicable sa mga itinuring ng Dios na matuwid sa Kanyang harapan.  Ganunpaman, kasama sa pananampalatayang Kristiano ang pagdidisiplina o pagtutuwid sa mali bilang proof ng pagiging tunay na mga anak ng Dios [Heb 12:6].)
C. Gusto ni Lord na tayo ay maging FAITHFUL and WISE servants Niya.
Bakit?  Para sa great REWARD!  (see v44 - "Truly, I say to you, he will set him over all his possessions.")

Attitude ng isang faithful and wise servant ni Lord:
1. As an employee (ng isang company, Gov't, or NGO), gawin ng tapat at may husay ang iyong JOB description.
2. As a business owner, panatilihin ang RIGHTEOUS dealings with clients, employee and government.
3. As a church worker/volunteer, gawin ng tapat at may husay ang iyong PARTE sa Katawan.  Ang iyong job description ay depende sa iyong gifting at sa basic or common tasks na ipinapagawa ni Lord sa lahat ng sa Kanya.
Basic job description ng isang servant ni Lord sa Kanyang Iglesya: (Tignan lang natin ang dalawang bagay)
a.  TUMULONG sa mga nangangailangan.  (see Luke 12:20-21)
     • Collective.  Ito yung pinagsama-samang tulong para sa needy (i.e. collection for the         needy in Jerusalem, 1Cor 16:1-4).
     • Individual.  Ito yung God-given opportunity na sa iyo muna ipinapagawa ni Lord             (i.e. good Samaritan, Luke 10:30ff).
b.  Makibahagi sa DISCIPLESHIP program ng church.  (Make disciples… up to the end      of the age, Matt 28:19-20.)
     • KDC, D-group, House church, etc.

Closing:  

Ang well done responsibility ay may God-given reward (earthly and heavenly).
•  Responsibility (v48b) “Everyone to whom much was given, of him much will be required, and from him to whom they entrusted much, they will demand the more.”
•  Reward (v44) “Truly, I say to you, he will set him over all his possessions."
Ang susi:  Be faithful and wise servant of the Lord sa iyong workplace at sa iyong local church!


Small Group Discussion Questions:
1.     Bakit nagbibigay ng demerit (minus point) ang school at ang kumpanya?  Makatarungan ba ito?  Bakit?
2.     Mayroon ba dapat na Christian student o worker na hindi faithful at wise sa kanyang responsibilidad?  Paano ito ma-overcome?
3.     Naniniwala ka ba na may reward si Lord sa mga faithful and wise servants Niya?  Gaano ito katotoo sa iyo?

No comments:

Post a Comment