"At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas."
Tatlong mahalagang aralin mula sa talata:
1. Tungkol sa Mabuting Balita ng Kaharian:
a. May Dios na NAGMAMAHAL sa atin – John 3:16; Rom 5:8.
b. May KAPATAWARAN sa ating mga kasalanan – Eph 1:7; 1Jn 1:9.
c. May KATIYAKAN sa ating kaligtasan – Jn 5:24; 1Jn 5:13.
d. May GUMAGABAY sa atin sa lahat ng katotohanan – Jn 16:13; 1Cor 6:18-20.
e. May walang hanggang KAGALAKAN sa Kaharian ng Dios – Rev 21:1-4
2. Tungkol sa Pangangaral at Pagpapatotoo:
a. Ang pangangaral ay tungkol sa SALITA.
Ang Dios ay may Mabuting Balita, tayo ang TAGAPAGSALITA.
Rom 10:13-15 – “Anong ganda ng mga paa ng mga nangangaral ng ebanghelyo ng kapayapaan, at nagdadala ng mabubuting balita.”
b. Ang patotoo ay tungkol sa EBIDENSYA.
Ang Dios ay Tunay, pero ano ang ating patunay?
• Ang BIBLIA
• Ang pagdaloy ng Kanyang Kapangyarihan sa may panampalatayang BUHAY.
3. Tungkol sa Katapusan:
a. Sabay matatapos ang misyon at ang mundo – kapag lahat ay nabigyan na ng pagkakataong MAKARINIG at MAGSISI.
b. Higit sa kaparusahan sa impyerno, kailangan ang katapusan ng daigdig para sa bagong LANGIT at LUPA.
c. Walang dapat ikatakot ang TAPAT.na alipin – Matt 25:21,23.
Conclusion:
Tapat ang Dios sa atin. Marapat na tayo’y maging tapat din sa Kanya.
Maglingkod
Maghintay
Magtapat
Small Group Discussion Questions:
- Kailan mo unang nalaman ang tungkol sa pagbabalik ni Jesus? Ano ang naging dating nito sa iyo?
- Sa kabila ng mga babala ng Dios, bakit parang hindi pa rin ito pinapansin ng bia?
- Bakit mahalaga sa Dios ang katapatan? Paano dapat natin ito ipakita ngayong malapit na ang Araw ng Kanyang pagdating?
No comments:
Post a Comment